Hiniling ni Rep. Roy V. Señeres, Sr. (Party-list, OFW) sa House Committees on Overseas Workers Affairs and Transportation na imbestigahan ang paniningil ng terminal fee ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Sa House Resolution 1656, hiniling ni Señeres na imbitahan ang mga opisyal ng MIAA para magpaliwanag sa pagiisyu ng Memorandum Circular No. 8 na nagpapataw ng P550 na International Passengers Service Charge (IPSC) o terminal fee sa OFW. Nilinaw niya na ang terminal fee ay talagang kasama na sa halaga ng airline ticket subalit kailangang i-refund ito para sa mga OFW.

Ayon sa kanya, ang circular ay ipinapataw sa land-based at sea-based OFWs na talagang libre o exempted sa pagbabayad sa ilalim ng Republic Act 8042 o ng Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 na sinusugan ng Republic Act 10022. Iginiit ni Señeres na ang circular ay paglabag sa RA 10022. Bert de Guzman
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS