Isinama ni Kris ang trusted friend at head writer niya sa KrisTV na si Darla Sauler at kaibigang direktor din ng programa na si Erick Salud at mga yaya ng dalawang bata.

Bimby-Kris-and-Josh_REGGEE-300x300Nabanggit ni Kris na dati pa niyang gustong maiparanas sa mga anak ang naranasan niya noong bata pa siya na umuulan ng yelo noong nakatira sila sa Boston, Massachusetts.

Masyado raw malayo at mahaba ang travel time kung pupunta pa sila sa Boston at wala naman silang matitirhan na roon kaya sa Japan niya dinala ang mga anak.

Ang caption sa post ni Kris sa kanyang Instagram account noong Biyernes sa video na kuha niya sa makapal na yelo na tanaw sa kanilang hotel, “Clearer video of the snow falling. We’re in bed and loving our hotel, comfy beds, perfect level of heat in our room, great wifi, enjoying watching GOTHAM on the room’s Apple TV, just signed in using my Apple ID & we’re now doing a Gotham then arrow marathon.”

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Ini-enjoy din nang husto ni Kris ang pagiging mommy niya sa dalawang anak dahil nga balik trabaho na naman siya pag-uwi nila ng Manila at hindi na naman niya makakasama ang mga anak ng mahabang oras.

Ang caption naman sa post ng Queen of All Media sa picture post habang yakap-yakap ang bunsong anak, “Precious bonding, I just keep praying that when Bimb turns 8 years old, we’ll still super malambing to each other and we’ll keep loving each other more and more.

“January 2014 life lesson: nag-uumapaw ang love ni Kuya and Bimb for me, I should treasure that and not look for love that’s not equal to my son’s devotion, understanding and loyalty… seriously, happy na just to be the mom of Kuya Josh and Bimb. Feeling ko super happy my Mom in heaven and my 4 siblings that I am FINALLY content on my own with my 2 loves. Siesta kami ni Bimb.”