Ipinagpasalamat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media at Papal Visit 2015 Central Committee ang pag-pull out ng ABS-CBN sa kanilang Papal visit souvenir items na “No Race, No Religion T-shirt” na lumikha ng kaguluhan sa social media.

Kaugnay nito, umaasa si CBCP-Episcopal Commission on Social Communication and Mass Media Executive Secretary Father Lito Jopson na itaguyod ng bawat isa ang tema ng Papal visit na “Mercy and Compassion” sa paglalabas at pagbebenta ng mga collector at souvenir items.

“Nagpapasalamat tayo sa ngalan ng Simbahang Katoliko sa ginawa ng ABS-CBN. Hangarin talaga ng Simbahan na itaguyod ang tema ng pagmamahal at malasakit sa pagbisita ng Papa. Sana mag-focus tayo sa mga mensahe kung papaano natin mas palawakin ang pagpapakita ng habag at malasakit sa kapwa,” sinabi ni Jopson sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinaalaala naman ni CBCP-Episcopal Commission on Social Communication and Mass Media Chairman at Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa lahat na tiyaking magagamit sa tamang paraan ang pagpapahayag ng mabuting balita sa pamamagitan ng mga logo at larawan o Pope Francis memorabilia.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bibisita sa bansa si Pope Francis sa Enero 15–19.