Muli na namang hinamon ni Filipino world boxing champion at Saranggani Representative Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr. na ituloy na ang kanilang pinakahihintay na pagtatapat ngayong 2015.

6c98c643f259e5044a0f6a706700ff0e-150x150Sa kanyang twitter account, hinamon ni Pacquiao si Mayweather na magharap na sila sa ibabaw ng ring.

“The ball will drop at midnight to usher in 2015. @FloydMayweather let’s not drop the ball on fighting each other next year! #LetsMakeFistory,” ani Pacquiao sa kanyang tweet bago matapos ang 2014.

Kasalukuyan nang isinasagawa ang negosasyon para sa laban ng dalawang boxing greats matapos ang pahiwatig ni Mayweather noong nakaraang Disyembre na lalabanan na niya si Pacquiao sa darating na Mayo 2.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Napakatagal nang hinihintay ng boxing fans sa buong mundo ang nasabing laban ng dalawa, ngunit hindi ito matuluy-tuloy dahil hindi magkasundo ang magkabilang kampo sa ilang mga isyu lalo na ang drug testing issue na ipinipilit ni Mayweather kay Pacquiao at ang hatian sa premyo.

Ang nangyari sa mga nakalipas na panahon ay palitan ng patutsadahan ng dalawang boxers sa social media kung saan nagkomento ang boxing experts na kung hindi mauuwi sa ibabaw ng ring ang laban ng dalawa ay magkakaroon ito ng malaking epekto sa kanilang iiwang legacy sa sports.

Sinabi ni Mayweather noong nakaraang buwan na handa na siya para labanan si Pacquiao na agad namang tinanggap ni Pacman.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang kung magkakasundo ang magkabilang panig at kung matutuloy na nga sa ibabaw ng ring ang kanilang mga maiinit na palitan ng mga pasaring.