Inatasan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang AirAsia Philipines na magsumite ng incident report, kasama ang flight data recorder, matapos mag-over shoot ang isang eroplano nito sa Kalibo Airport sa Aklan noong Martes.

Kasabay nito, ipinag-utos ni CAAP Director General William Hotchkiss ang pag-aalis sa Notice to Airmen (NOTAM), na ipinalabas ng ahensiya matapos madulas at lumagpas ang Air Asia Zest flight No. EDZ-272 sa dulo ng runway ng Kalibo Airport.

Ito ay matapos maalis ng CAAP Engineering and Aircraft Retrieval Team ang eroplanong nakabalandra sa runway at inilipat ito sa bay parking na nagresulta sa panunumbalik sa normal ng operasyon ng paliparan.

Ayon sa opisyal, gumamit ang mga pasahero at crew ng inflatable shoot upang makababa sa eroplano matapos malubog ang landing gear nito sa maputik na bahagi ng runway bunsod ng ulan na dulot ng bagyong ‘Seniang’.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Agad na dinala ang piloto ng eroplano na si Capt. Archilles Narajos, co-pilot na si First Officer Miguel Halaguena at crew sa Kalibo Airport Terminal upang sumailalim sa medical check-up.

Puntirya ng CAAP Aircraft Investigation Board sa pagkuha ng incident report mula sa AirAsia na matukoy ang dahilan sa pag-over shoot ng flight No. EDZ-272. - Ariel Fernandez