Kobe Bryant, Timofey Mozgov

DENVER (AP) – Nagtala si Kobe Bryant ng 23 puntos, 11 assists at 11 rebounds para sa kanyang ika-21 career triple-double, at nagawang pigilan ng Los Angeles Lakers ang Denver Nuggets, 111-103, kahapon upang putulin ang kanilang threegame losing streak.

Si Bryant ay 6-for-11 sa kanyang shooting, at nagbigay ito sa kanya ng 25,000 field goal attempts sa kanyang career. Ang iba pang manlalaro na nagtangka ng mas maraming basket sa kasaysayan ng NBA ay sina Kareem Abdul-Jabbar (28,307) at Karl Malone (26,210), ayon sa STATS.

Ang Lakers star ay naglaro ng halos 32 minuto sa kanyang ikalawang laro mula nang magbalik galing sa pahinga.

Sen. JV walang tinatanaw na 'utang na loob sa UniTeam: 'I was boosted out of the line up!'

Naglista si Carlos Boozer ng 19 puntos at nagdagdag naman si Ronnie Price ng season-high na 18.

Kapwa nagtapos sina Ty Lawson at Jusuf Nurkic na may 16 puntos para sa Nuggets na natalo sa apat ng kanilang huling limang laro.

Si Wilson Chandler, isa sa top scorers ng Nuggets, ay nagtapo ng bruised right quadriceps sa first half at hindi na nagbalik. Nagtapos siya na may siyam na puntos.

Bukod dito, ilang player na ng Nuggets and hindi nakapaglaro dahil sa injuries: Danilo Gallinari (right knee), JaVale McGee (strained left leg) at Randy Foye (right quadriceps). Hindi rin naglaro si Darrell Arthur (lower leg).

Naipasok ng Lakers ang kanilang unang pitong attempt at may 61 porsiyento sa opening half upang kunin ang 62-46 abante patungo sa locker room.

Bago ang laro, nagkuwento si Nuggets coach Brian Shaw tungkol sa pagiging teammate ni Bryant isang dekada na ang nakalilipas at kung paano magbiro si Bryant tungkol sa mga beteranong naglalagay ng yelo sa tuhod.

‘’I told him that one day ice was going to be his best friend,’’ sabi ni Shaw.

Ilang sandali pa, dumaan si Bryant upang yakapin si Shaw.

“‘I’m sharing stories about when you used to laugh at me (for using ice),’’ turan ni Shaw.

‘’Now I’ve got to do it before the game. How about that?’’ sagot ni Bryant.

At habang naglalakad palayo si Bryant, isinigaw niya: ‘’Tell them the story about how I beat you in shooting when I was 12.’’

Resulta ng ibang laro:

Detroit 109, Orlando 86

Atlanta 109, Cleveland 101

New Orleans 110, Phoenix 106

Brooklyn 96, Chicago 82

Memphis 95, San Antonio 87

Dallas 114, Washington 87

Utah 100, Minnesota 94

Portland 102, Toronto 97

Golden State 126, Philadelphia 86