Luis Scola, Taj Gibson

INDIANAPOLIS (AP) – Nakahanap ng paraan si Jimmy Butler upang ipakita kung anong klaseng banta siya para sa Chicago Bulls.

At nakita rin siya ng mga paraan upang magbigay ng problema para sa Indiana Pacers.

Nagtapos si Butler na may 27 puntos at siyam na rebounds upang pangunahan ang Chicago Bulls patungo sa 92-90 pagwawagi laban sa Indiana Pacers kahapon.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Ang 3-pointer ni Butler sa huling 1:07 ang nagbigay ng abante sa Bulls at hindi na sila muling lumingon.

‘’Derrick (Rose) is always on me to shoot and to shoot 3’s and be aggressive,’’ aniya. ‘’I’m confident in my game, so I feel like I have to step up and take and make shots late.’’

Umiskor si Pau Gasol ng 20 puntos at nagdagdag si Rose ng 17 para sa Bulls (22-9), na pinalawig ang season-best winning streak ng koponan sa pitong sunod na laro. Inilista ni Chris Copeland ang 13 sa kanyang 17 puntos sa fourth quarter, habang nagdagdag sina George Hill at C.J. Miles ng tig-11 puntos para sa Pacers (11-21) na naghabol ng 21 puntos sa second half.

Tila naselyuhan na ng Bulls ang laro nang mai-convert ni Mike Dunleavy ang isang 3-point play upang ibigay sa Bulls ang 75-54 na bentahe sa natitirang 2:33 ng third quarter. Ngunit sumiklab para sa 23-2 run ang Pacers at naagaw ang kalamangan sa basket ni Lavoy Allen upang itala ang bilang sa 84-83 sa huling 6;15 ng fourth quarter.

‘’It’s a different thing, executing in the final four minutes of a game than the first 44 minutes of the game,’’ sabi ni Pacers coach Frank Vogel. ‘’We had some poor possession on the offensive end. We were getting some stops, we just fell short.’’

Si Butler, na gumawa ng 32 puntos sa 99-90 na pagkatalo sa Indiana noong Nobyembre 15, ang nagbigay sa Chicago ng kailangan nitong momentum.

Dalawang put-back dunks ang kanyang ginawa sa kalagitnaan ng ikatlong yugto sa isang 6-2 run, kabilang ang isa sa huling 7:24 ng quarter upang bigyan ang Bulls ng 59-41 kalamangan.

Umiskor din si Butler sa isang one-handed dunk sa buzzer para sa 47-35 halftime lead ng Chicago.

‘’The lesson we learned is you have to keep playing,’’ ani Bulls coach Tom Thibodeau. ‘’No lead is safe in this league.’’

Ang dalawang koponan ay lalaruin ang huling dalawang laro ng kanilang serye sa Marso.

Resulta ng ibang laro:

Orlando 102, Miami 101

Milwaukee 104, Charlotte 94

Brooklyn 107, Sacramento 99

Washington 104, Houston 103

LA Clippers 101, Utah 97