HINDI gaanong nagbibigay ng pahayag si Adele tungkol sa kanyang pribadong buhay, ngunit nagsalita na siya tungkol sa kumakalat na usap-usapan na hiwalay na sila ng kanyang nobyo na si Simon Konecki.

Base sa iniulat ng The Sun noong Sabado (Disyembre 27), sina Adele at Simon, na dating magkatuwang sa pagpapalaki ng dalawang taong gulang nilang anak, ay hindi na nagsasama sa iisang bahay. Sa halip na hindi ito pansinin, nagpahayag si Adele sa kanyang Twitter account noong Linggo upang linawin ang usap-usapang

Hindi ito ang unang pagsasalita ni Adele tungkol sa kanilang relasyon ni Simon. Noong Enero 2013 ay ibinahagi niya sa publiko na si Simon ay kasal pa rin sa dati nitong asawa.

“This is the first and last time I will comment on the details of my relationship with Simon,” pahayag ni Adele. “Contrary to reports and headlines in the press today, Simon is divorced and has been for 4 years. Everyone in our lives separately and together wish us nothing but the best, and vice versa. These are the facts. Take care and see you all in February xx.” - Yahoo News/Celebrity

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary