Liza-Aiza-copy-500x500

MARAMING pinakawalang rebelasyon si Aiza Seguerra sa interview sa kanya ni Anthony Taberna sa programang Tapatan ni Tunying, na napanood noong Disyembre 25. Siyempre pa, sumentro ang usapan sa relasyon nila ni Liza Diño na nauwi sa kanilang pagpapakasal sa US.

Marami ang hindi nakakaalam na matagal nang magkakilala sila Aiza at Liza, contrary sa mga sinasabing sa showbiz industry sila nag-meet.

Fourth year high school si Aiza at second year college naman si Liza sa UP nang pagtagpuin ng tadhana ang kanilang landas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kabarkada noon ni Aiza ang unang boyfriend ni Liza. Naging ka-close ni Aiza ang nasabing guy nang magpatulong siya sa UPCAT exam.

Ayon kay Liza, wala sa hinagap niya na hahantong sa pagiging more-than-friends ang pagiging close nila ni Aiza. Hanggang sa lumayo si Liza kay Aiza dahil nga sa pag-amin ng huli sa kanyang seksuwalidad.

Nagkaroon nga ng boyfriend si Liza, subalit nanatili pa rin ang kanilang pagiging magkaibigan. Tuluyan na siyang lumayo kay Aiza nang mabalitaan niyang mayroon nang ibang nililigawan si Aiza, taong 2003.

Naitanong din ni Ka Tunying ang tungkol sa paglantad finally ni Aiza sa kanyang tunay na kasarian.

Ani Aiza, mahirap noong una,  lalo na’t pinag-awayan nila ito ng kanyang mga magulang.

Noong 2008, lumipad papuntang US si Liza para mag-aral ng culinary course at doon din sa Amerika nito iniluwal ang bunga ng pagmamahalan nila ng kanyang unang boyfriend at pinangalanan niya itong Amara.

Pagkaraan ng limang taon, nagbalik-‘Pinas si Liza at nagkita silang muli ni Aiza. Sabi nga’y love is lovelier the second time around, kaya’t wala nang inaksayang panahon si Aiza at nag-propose siya kay Liza.

Sa kabila ng kanilang pagmamahalan, inasahan na nila ang panghuhusga at negatibong reaksiyon mula sa ibang tao. Pero...

“Sa totoo lang, wala ‘yun sa isip ko,” pahayag ni Aiza. “’Yung iniisip nila sa akin hindi ko gaanong naiisip masyado kasi mas importante pa rin sa akin ‘yung kung saan ako magiging masaya.”