Hinimok ni Senator Cynthia Villar ang kababaihan na higit pa nilang palakasin ang kanilang grupo upang makatulong sa pagbuo ng maayos na lipunan.

Aniya, ang pagbigay ng kapangyarihann sa kababaihan ay pagbibigay din ng kapangyarihan sa pamilya at sa mga darating pang henerasyon.

“The women empowerment is not just about the struggle for their rights although this remains crucial due to high incidence of domestic violence,” ani Villar. Sinabi nito na kung ang isang babae ay nakatatayong magisa at nabubuhay na mag-isa, magiging maayos ang kanyang pamumuhay.

Ibinahagi pa ni Villar na isa siya sa mga nagsusulong ng pantay na kapangyarihan sa kababaihan mula pa noong siya ay kongresista.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

“I am advocating livelihood of the poor especially for women. This is through my livelihood programs. My goal is to establish a livelihood project in all of the 1,600 municipalities and cities all over the Philippines,” dagdag pa ni Villar.