BORACAY ISLAND - Kinilala kamakailan ng isa sa pinakapopular na hotel booking website sa mundo ang isla ng Boracay bilang ika-13 pinakamagagandang lugar sa mundo na inirekomendang pagdausan ng bisperas ng Bagong Taon.

Ang Agoda.com ang nangungunang hotel booking site sa Asia.

Isinagawa ng Agoda ang online survey noong nakaraang buwan sa mahigit 7,000 biyahero.

Sa survey ay nakakuha ang Boracay ng 2.49 porsiyento ng mga boto.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nanguna sa nasabing survey ang Bangkok sa Thailand, na nakakuha ng 13.60 porsiyento; kasunod ang Hong Kong; Bali, Indonesia; Tokyo, Japan; at Singapore.

Dinaig ng Boracay ang iba pang world-class tourist destination, kabilang ang Las Vegas, Barcelona, Ibiza at Shanghai.

Dahil sa resulta ng survey na ito ng Agoda.com, inaasahan na ang pagdagsa ng mga turista sa Boracay para sa selebrasyon ng Bagong Taon—ang peak season sa isla.