KAKAIBANG handog ang ihahatid ng Magpakailanman ngayong Sabado sa pagtatampok ng kuwento ng buhay ni Princess Pura, isang deaf-mute na nais tratuhin na isang pangkaraniwang tao rin.

Magaling na singer si Joan, maganda. At nang makabuo ang pagmamahalan nila ng kinakasamang si Jojo, mataas ang pangarap niya para sa kanilang magiging anak. Pero laking gulat ng dalawa nang ipanganak si Princess na may birth defect -- wala itong naririnig.

Bilang pamilyang sa pagsasalita iniaasa ang pagpaparamdam ng pag-ibig at emosyon, paano haharapin nina Joan at Jojo ang pagsubok sa anak na walang naririnig at hindi rin nakapagsasalita?

Pinalaki nila si Princess na may tiwala sa sarili at kahit ano ay kaya nitong makamit, ngunit mapaninindigan ba nila na makipagsabayan sa mga taong walang pasensiya para sa mga pipi at bingi?

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

At paano haharapin ng pamilya Pura ang isang trahedyang magbabadyang sumira sa kanila?

Itinatampok sa Magpakailanman -- Prinsesa ng mga Pipi: The Princess Pura Story sina Kylie Padilla at Steven Silva sa kanilang natatanging pagganap bilang deaf-mute, makakasama nila sina Jessa Zaragosa, Arthur Solinap, Luz Valdez at Mona Louise Rey at mula sa direksyon ni Neil del Rosario, alamin.

Huwag palagpasin, ngayong Sabado ng gabi na sa GMA7.