kc-concepcion-copy

DATI noon tuwing sumasapit ang Pasko, isa si Sharon Cuneta sa mga nagpapasaya sa press people, holding Christmas party with pa-raffle of cash prizes and many more. Matagal na itong hindi nangyayari simula pa nang hindi masyadong visible sa limelight ang megastar.

Ngayong Pasko, si KC Concepcion ang nagpasaya sa maraming entertainment reporters. As in sinagot niya ang pang-Noche Buena, o higit pa nga, ng mga katoto at ng kani-kanilang pamilya. Sa totoo lang, sa panahong ito, bihira na ang mga artistang katulad ni KC. Kung sabagay, may pinagmanahan naman talaga.

Kaya naman nang humarap si KC sa presscon ng Give Love On Christmas Presents Exchange Gift, sa kanya ikinumusta ang kanyang mega-mom.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Pumapayat, sumi-sexy at gumaganda pa din,” kuwento ni KC.

Nitong mga nakaraang buwan, nalaman sa social media kung paano nadi-depress si Mega sa kanyang weight problem.

Makakaligtas ba naman si Sharon sa bashers?

Until lately, nag-decide na raw itong magpapayat. Sinabi rin ni KC sa kanyang post na nagbawas na ng 30 lbs. ang kanyang mom.

“Para na-realize naman niya kung ano ang ikagaganda pa niya,” sey ng mega-daughter.

Sinagot din ni KC sa presscon ng Exchange Gift, na ipapalabas simula sa January 5,11:30 ng umaga sa ABS-CBN, ang tungkol sa matagal nang tsikang tatakbo ang kanyang mommy para mayor ng Pasay City, ang posisyong hinawakan ng kanyang Daddy Pablo Cuneta for almost two decades. Ang uncle ni Sharon na si Sen. Vicente “Tito” Sotto diumano ang humihimok sa megastar.

Nagulat si KC sa isyu, wala raw siyang alam sa isyung ito.

“Stress siya sa gano’n. Parang wala pa kaming pinag-uusapan about that. Siguro, if ever, parang malaking diskusyon ‘yun sa family. Thank you for the information. Tatawagan ko siya later,” pahabol pa niya.

Anyway, makakasama ni KC ang rumored bf na si Paulo Avelino sa Exchange Gift. Kaya hindi sila nakaligtas sa mga tanong tungkol sa estado ng kanilang relasyon. “Ang na-enjoy ko sa amin, may mga instances kasi na ‘pag magkasama kami parang ang saya lang, sobra! Parang nakakalimutan mo lahat, parang wala nang bukas, puro tawanan lang. Masaya lang, ‘yun siguro ang pinaka-memorable sa akin,” sagot ni Paulo.

“Sa amin ni Pau, sa totoo lang... what you see is what you get, nagpapakatotoo kami masyado sa isa’t isa, good or bad. Kilala namin talaga ang isa’t isa. ‘Yun ‘yung hindi siya showbiz, hindi siya ‘yung parang nagi-edit or what, may chance kami to help each other grow, in a way sana siyempre hinahangad namin na maging mas mabuting tao kaming dalawa simula no’ng mawala si Mita (Mommy Elaine Cuneta, kanyang lola), parang gusto kong ayusin ‘yung buhay ko din, lahat ng ano gusto ko maayos lahat, maging maganda ‘yung pakikisama namin sa ibang tao, sa isa’t isa. Parang ano lang... ang ganda ng feeling na magpapatotoo kami sa isa’t isa,” sagot naman ni KC, and reading between the lines, may magandang relasyon na nga sila.