WASHINGTON (AFP)— Inilabas ng WikiLeaks noong Linggo ang dalawang dokumento ng CIA na nag-aalok ng tips upang matulungan ang mga spy na mapanatili ang kanilang pagbabalatkayo habang gumagamit ng mga pekeng dokumento sa pagtawid sa international borders.

Ang dalawang dokumento, mula 2011 at 2012, ay minarkahang classified at “NOFORN,” na nangangahulugan na hindi ito maaaring ibahagi sa mga kaalyadong intelligence agencies, sinabi ng WikiLeaks.

Inilatag ng mga dokumento ang ilang estratehiya para makaiwas ang mga agent sa secondary screening sa mga paliparan at hangganan.

Ang ilan ay halatado: huwag bumili ng one-way ticket gamit ang cash sa bisperas ng paglipad. Ang iba marahil ay hindi: huwag magmukhang madungis habang bumibiyahe gamit ang diplomatic passport.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

“In one incident during transit of a European airport in the early morning, security officials selected a CIA officer for secondary screening,” mababasa sa isa sa mga dokumento.

“Although the officials gave no reason, overly casual dress inconsistent with being a diplomatic-passport holder may have prompted the referral.”

Ang sangkot na CIA agent ay isinalilim sa swab test ang bag at naging positibo sa mga pampasabog. Sa kabila ng matitinding pagtatanong, pinanindigan niya ang kanyang cover story na siya ay sangkot sa counterterrorism training sa United States, at kalaunan ay pinahintulutang magpatuloy sa kanyang biyahe.

“Consistent, well-rehearsed, and plausible cover is important for avoiding secondary selection and critical for surviving it,” sulat ng CIA.