Hiniling ni Rep. Linabelle Ruth Villarica (4th District, Bulacan) sa Kongreso na bilisan ang pagpapasa ng panukalang naglalayon na maibalik ang mga fishpond o palaisdaan sa Fisheries Lease Agreements (FLAs) upang gawing forest lands o lupaing-gubat para makatulong sa nakalulumpong epekto ng climate change.

Ayon kay Villarica, ang mga palaisdaan ay maaaring magamit sa mangrove propagation o promosyon ng eco-tourism activities upang makatulong sa pagsigla ng ekonomiya ng mga komunidad.

“Environmental laws must be attuned to the demands of climate change as well as the socio-economic needs of the increasing number of people living in our communities,” ani Villarica.
Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?