James-Yap_ADOR-copy

DALAWA ang sponsored block screening ngayong araw sa pagbubukas ng Feng Shui ni Kris Aquino, 3 PM sa SM Megamall at 7 PM naman sa SM MOA.

Bongga ang manonood sa SM MOA dahil 4D ito at ngayong araw din ang launching ng nasabing teatro kaya ang pelikulang Feng Shui ang unang pelikulang ipalalabas nito.

Sabi nga ni Kris sa programa niyang KrisTV, “I have super exciting announcement for Feng Shui. Because for the very first time, SM MOA will be launching their 4D Theater.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“So imagine na nagugulat ka at nakakakot ka gagalaw ang chair at may usok effect. ‘Tapos ‘pag humihiyaw may nagre-reverb, ‘pag lalabas ‘yung mga multo biglang may blag!, gaganunin ka!”

Graded A naman ang rating na ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa Feng Shui kaya talagang ipinagmamalaki ito ng buong cast, ni Direk Chito Roño at ng Star Cinema at Kristina Bernadette Cojuangco Aquino.

Samantala, naitsika sa amin ng mga pumunta sa Parade of the Stars noong Martes sa Roxas Boulevard na proud na proud si Kris sa anak niyang si Bimby habang kasama nina Vice Ganda, Alex Gonzaga at Richard Yap sa float ng Praybeyt Benjamin 2 at parang professional na artista nang kumakaway sa mga tao at namimigay ng posters.

May block screening din ang Praybeyt Benjamin at inimbitahan ni Kris si James Yap para suportahan nito ang anak, pero noong una ay hindi puwede dahil uuwi raw ang basketbolista sa bayan nila sa Negros pero biglang nabago ang desisyon.

Nakakatuwa ang kanilang palitan ng mensahe na nai-post sa social media. James: “Thanks for the invite, but I’m going home in Escalante (Negros Occidental) on the 24th. “ Sagot naman ni Kris: “At least we invited you.” “Thank you, appreciated,” say naman ni James.

Pagkatapos ng bente kuwatro oras ay biglang nag-text uli si James: “Hi Kris, I’ll change my flight, uwi na lang ako sa 26, watch ako sa 25, puwede pa ba?” na kaagad ding sinagot ng TV host/actress, “Yes. You should support Bimb!”

Ang sabi pa ni Kris sa kanyang post: “As parents, I think all of us Moms and Dads will do everything possible to show our children how proud we are of them!

“It’s not easy for James and me to be friendly, but we share a common goal—to do what’s best for Bimb and give him 100% support and love!

“Living up to our 7 year old’s words of wisdom: ‘When you break up, you move on, and you try to be friends!’

“Perfect attendance na kami in SM Megamall on Christmas Day for Praybeyt Benjamin!” post pa ni Kris kahapon sa kanyang Facebook account.

Nauna namang i-pinost ni Kris ang caviar cake na regalo sa kanya ni James at ng girlfriend nitong si Michaella Cazzola.