Isinara ng Team University Athletic Association of the Philippines (UAAP)-Philippines ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng pagsaklit ng isang silver at dalawang bronze medals sa swimming para sa isang impresibong performance kung saan nagtapos silang panglima sa pagtiklop ng Asean University Games sa Palembang,Indonesia.

Muling nagwagi sa pagkakataong ito ng isang silver ang triple gold medal winner na si Hannah Dato nang pumangalawa siya sa women’s 100 meters freestyle upang madagdagan ang nauna niyang koleksiyon na kinabibilangan din ng isa pang silver at isang bronze para pamunuan ang Team UAAP Philippines sa pagtatapos na ika-lima at best finish nito sa biennial meet na idinaoraos para sa mga student athletes ng rehiyon.

Naorasan si Dato, ang UAAP women’s swimming MVP ng 58.06 kasunod ng gold medal winner na si  Chui Lai Kwan  ng Malaysia (57.97) habang pumangatlo naman sa kanila si  Benjaporn Sriphanomthorn ng Thailand  (58.12).

Bukod dito, nagdagdag din sya ng bronze sa women’s 200-meter butterfly matapos maorasan ng  2:22.62 kasunod ng Malaysian bet na si Khoo Cai Lin na naorasan ng  2:18.88 para sa gold at Raina S. Grahana ng Indonesia na nag-uwi naman ng silver sa tiyempong 2:19.54.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I wasn’t really expecting it,” pahayag ni Dato sa kanyang naging matagumpay na kampanya sa kompetisyon.

Nakamit naman ng isa pang Ateneo standout na si  London Olympian Jessie Khing Lacuna ang isa pang bronze sa men’s 1,500-meter freestyle sa oras na 16:47.15 kasunod ng dalawang Malaysians na sina Kevin Soon Choy Yeap (15:53.67) at  Vernon Lee Jeau Zhi (16:14.79)na siyang kumopo ng gold at silver ayon sa pagkakasunod.

Sa pagtatapos ng swimming event, nakatipon ang bansa ng 4 na gold, 3 silver at 9 na bronze medals para madagdag sa naunang  2-1-3 sa  athletics, 1 silver sa diving, isang bronze sa women’s volleyball  at 4-4-4 sa taekwondo para sa kabuuang 10 gold, 11 silver at 22 bronze medals.

Tumapos na kampeon ang host Indonesia (64-77-45) pangalawa ang Thailand (52-34-23), sumunod ang  Malaysia (38-39-49) at ang  Vietnam (24-14-2).

Ito ang pinakamataas na pagtatapos ng bansa sa kompetisyon kasunod ng kanilang naitalang 8 gold, 12 silver at 21 bronze medals noong 2008 edition sa Kuala Lumpur.