Ngayon ang simula ng di-pangkaraniwang limang araw na pista opisyal sa paligid ng Araw ng Pasko, na isang regular holiday. Ang mga araw bago at pagkatapos – Disyembre 24 at 26 – ay idineklara kamakailan ng Pangulo bilang non-working holidays. Ang tatlong araw na ito ay susundan ng weekend na Disyembre 27 at 28.

Tulad ng nakaraang mga taon, saan man nakatira o nagtatrabaho ang ating mga kababayan, magsisiuwi sila sa kani-kanilang lalawigan para sa Christmas holidays. Magiging maluwag sa karaniwang masikip na trapiko ang Metro Manila sapagkat karamihan sa mga residente nito ang magsisiuwi sa pamamagitan ng bus, kotse, barko o eroplano, upang makaping ang kani-kanilang mga mahal sa buhay sa mga probinsiya. Nagsimula na ang exodus noong nakaraang linggo sa ilalim ng pagbabantay ng Philippine Coast Guard sa mga daungan upang matiyak na sinusunod ng mga barko ang lahat ng panuntunan sa seguridad, partikular na ang mga pamantayan laban sa overloading. Sa mga terminal ng bus sa bansa na dinadagsa ng mga pasahero, nag-organisa ang pamahalaan at pribadong grupo ng aid projects upang matiyak ang ligtas na paglalakbay sa mga highway.

Ito ay isang tradisyon ng mga Pilipino na nagaganap din sa mga pista opisyal sa Santa Semana. Bahagi ito ng ating kultura bilang isang bansa na nagnanais maibahagi ang makahulugang mga selebrasyon sa ating mga mahal sa buhay. Ang matibay na tradisyong pampamilya ay nakaiimpluwensiya sa bawat aspeto ng ating buhay, kabilang ang pulitika, negosyo, at buhay-panlipunan.

Sa loob ng maraming taon, ang ating mga sistema ng parehong highway at inter-island travel ay humusay na. Ang pagbiyahe sa Baguio at sa buong Northern Luzon, halimbawa, ay karaniwang gumugugol ng mula walo hanggang sampung oras; ngunit ngayon nabawasan na ito ng kalahati dahil sa lumalawak na network ng mga expressway. Posible na ngayon ang mga isla sa Visayas at kahit na sa Mindanao sa pamamagitan ng bus dahil sa roll-on, roll-on (RORO) na sistema ng transportasyon na nakatutulong pag-isahin ang buong kapuluan na magkakahiwalay ang mga isla.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Dapat nating ipagpasalamat na nabigyan ng gobyerno ng sapat na atensiyon ang pagsasaayos ng transport system ng bansa. Maaari ngang isa tayong archipelago ng mahigit 7,000 isla ngunit pinag-isa ng public highways at mga koneksiyon ng mga isla kung kaya posible ang taunang migrasyon ng Pasko na naging bahagi na ng ating mayamang tradisyon at pinaghuhugutan natin ng lakas bilang isang bansa.