LONDON (AP) – Opisyal nang ikinasal nitong Linggo ang legendary entertainer na si Elton John sa longtime partner niyang si David Furnish sa ikasiyam na anibersaryo ng kanilang civil partnership.

Binago ng pareha ang kanilang civil bond sa bisa ng mga bagong batas na ipinatupad sa England ngayong taon na nagpapahintulot sa same-sex marriage.

Nitong Linggo ay nag-post sa Instagram sina David at Elton ng litrato nila habang lumalagda sa mga opisyal na dokumento. “That’s the legal bit done. Now on to the ceremony!” saad sa caption.

Nagplano sina Elton at David ng selebrasyon sa kanilang estate malapit sa Windsor Castle sa kanlurang London. Inaasahan na ang A-list crowd.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi na naging sorpresa ang kasalan dahil una nang nagtweet si Elton ng mga plano niya sa kasal at pinuri ang England sa pagtanggap sa same-sex marriage.

Kasama rin siyempre sa kasiyahan ang dalawang anak nina Elton at David na sina Zachary at Elijah.

Nagkakilala sina David at Elton noong 1993. Kapwa sila aktibo sa kawanggawa, at si Elton ay nakatutok sa mga pagsisikap laban sa pagkalat ng HIV at AIDS.