SA pangunguna ni Miguel Castro, magtatanghal ang Filipino Pop Tenors ng pambihirang koleksiyon ng musikang classical, Broadway, pop at kundiman sa pagsalubong sa New Year 2015 sa Concert at the Park sa Enero 4.

Marami ang napapahanga ng grupo dito at sa ibang bansa dahil sa naiiba nilang atake sa classic songs. Ang Concert at the Park ay idinadaos tuwing Linggo, 6:00 ng gabi, sa Open-Air Auditorium sa Rizal Park sa Maynila.

Pagkatapos nito, muling mapapanood ang Filipino Pop Tenors, na pinamumunuan ng film-TV actor na si Miguel Castro na isa na ngayong pop classical singer, sa Paco Park Presents sa Pebrero 20.

Nasa isip ni Miguel ang paghahalo ng classical music sa pop music environment sa pagbuo ng grupo ng mga soloist na nagsanibpuwersa upang lumikha ng isang pambihirang musika, ang pop classical.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

May Facebook page na rin, ang Filipino Pop Tenors ay binubuo nina Miguel, Serafin Murillo at Adrian Lachica.