Nagbigay ng seryosong konsiderasyon si owner Vivek Ranadive upang kunin si Chris Mullin na maging coach ng Sacramento Kings, sinabi ng league sources sa Yahoo Sports.

Sa kainitan ng pagkakasibak kay Michael Malone noong Lunes, nangalap na si Ranadive ng mga mungkahi hinggil sa kandidatura ni Mullin kung saan ay lalong lumawak ang intriga ukol sa star power na si Mullin, ang ownership adviser para sa Kings, ayon sa sources.

“All [Mullin] has to decide is that’s what he wants and the job is his,” ayon sa sinabi ng NBA general manager sa Yahoo Sports noong Martes.

Pananatilihin ng Kings si Tyrone Corbin bilang interim coach, ngunit ‘di pa batid kung kukunin ito bilang full-time coach sa season. Si George Karl ay may malaking kasaysayan sa general manager na si Pete D’Alessandro at sinimulan na ang kampanya para sa nasabing posisyon ilang oras nang sibakin si Malone. Sa ngayon ay si Karl ang secondary candidate habang kinukonsidera ni Ranadive ang posibilidad para kay Mullin.
National

Ka Leody, Luke Espiritu, tatakbong senador sa 2025