KALIBO, Aklan - Naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang magkapatid na magsasaka na pinaniniwalaang miyembro ng kilabot na Awol Gang sa Aklan.

Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na sina Romnick Piano, 25; at Rey Piano, ng Barangay Agbalogo, Makato, Aklan.

Ayon sa CIDG, bukod sa kasong murder na kinakaharap ng mga suspek ay nauna nang pinlano ng magkapatid ang pagpatay umano sa isang hindi kinilalang prosecutor at isang hukom sa Aklan.

Kaagad namang iniharap ang magkapatid sa Kalibo Regional Trial Court.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20