Piolo & Iñigo

IPINALIWANAG ni Iñigo Pascual ang isyu na kesyo siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring karelasyon o umiiwas makipagrelasyon ang kanyang ama, si Piolo Pascual.

Sey ng bagets, sinusulit lang naman nilang mag-ama ang panahon ng pagba-bonding nila. Hindi raw naman nila na-enjoy nang husto ang mga taon na lagi silang magkalayo kaya bumabawi sila ngayon.

“I didn’t really get to spend much time with him growing up and I want to be able to maximize our time together. Kapag nakita mo siya with someone, you’re going to feel jealous pero normal naman po ‘yun as a son,” sey ng sikat na ring anak ni Papa P.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Pero nilinaw ni Iñigo na hindi naman siya hahadlang kung muling magkaroon ng karelasyon ang kanyang ama. Kaya anytime na gustuhin na ni Piolo na magka-girlfriend ay wala itong maririnig sa kanya.

Pero pahabol agad niya, sana raw ay hindi naman kasing edad niya ang maging kasintahan ng ama niya.

“I’m seventeen and if he gets a girlfriend who is twenty, I’m not going to feel comfortable. I woudn’t want a stepmom to be twenty,” medyo napatawa pang banggit ni Inigo.

Si KC Concepcion ang huling naging karelasyon ng kanyang ama. Paano kung magkabalikan ang dalawa, tututol kaya si Iñigo?

“Well, hindi po. As I have said, kahit kelan niya gustuhin na magkaroon na ng karelasyon, eh, no problem,” sey pa ng bagets.