DIRETSAHANG binanggit ni Boy Abunda nang pumasyal kami sa The Buzz na wala siyang tutol sa tila nauusong same sex marriage.

Boy & Bong Pero wala rin naman siyang planong sundan ang mga ito o makisali sa pagpapakasal. Hindi niya pangarap na magpakasal sa long-time partner niyang si Bong Quintana.

Para kay Kuya Boy, hindi na nila kailangan ang kasal. Ang mahigit sa 30 taon nilang relasyon higit pa sa patunay na mahal nila ang isa’t isa kaya ang pagpapakasal ay hindi na sumasagi sa isipan nilang dalawa.

Samantala, pinapangarap ni Boy Abunda na, kung ipahihintulot sa kanya ng panahon, makapag-travel.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Balak niyang makapagpahinga at makapag-relax man lang kasama siyempre ang pinakamamahal niya.

Matapos maratay ng ilang linggo dahil sa karamdaman, napagtanto ni Kuya Boy na kailangan din naman niyang bigyan ng matagal-tagal na pahinga ang katawan niya. Hindi raw naman niya kailangang patayin ang sarili sa trabaho.

Kinakailangan din niya ang pahinga para ma-enjoy din naman ang bunga ng kanyang pagpapakapagod at pagsisipag sa loob ng napakaraming taon.

Balak din ni Kuya Boy na ituloy ang pagtuturo, pero tatapusin muna niya ang kanyang doctorate sa Social Development.

Diretsahan din niyang binanggit sa amin na kakalimutan muna niya ang mundo ng pulitika. Wala siyang planong tumakbo sa anumang posisyon sa 2016 elections.

Kahit na pilitin pa siya ni PNoy?

“Kahit pa pilitin niya ako. Pero hindi naman mangyayari ‘yun,” sey pa ng mahal na mahal naming si Boy Abunda.