MULA mismo kay Isabelle Daza ay nalaman naming hindi siya ang pumalit sa role na inayawan ni Lovi Poe sa pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles kundi ang baguhang si Hanna Ledesma. 

Isabelle DazaSey pa ni Isabelle, sa nasabing pelikula—na co-venture ng Reality Entertainment, Agosto Dos at GMA Films—ay ipapakita ang isang bagong uri ng aswang, ang kubot, mga asawa ng tiktik na nakilala ng moviegoers sa una at orihinal na istorya. 

“May mahahaba silang buhok na may kapangyarihang gawin ang kanilang buhok na parang tentacles o galamay para mapisil nang todo ang lamang-loob ng mga biktima at lalabas na lang ng parang gel,” kuwento ng pretty actress.

Samantala, inamin ni Isabelle na tahimik lang siya noong nasa Eat Bulaga siya pero nang lumipat siya ng istasyon ay biglang nagkaroon ng napakaraming isyu tungkol sa kanya na involved ang mga bago niyang kasama ngayon sa Kapamilya Network, na kagaya nina Toni Gonzaga at Kim Chui. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“I never said that they were baduy. Bigla na lang lumabas. They say that it comes with the territory. What can I do kaya? Okay na lang,” paliwanag ng dalaga.