MUKHANG malabo nang maimbitahan ang mahusay na aktres para mag-show dito sa Amerika at aliwin ang TFC subscribers dahll hindi raw maganda ang ugali.

Kuwento sa amin ng kilalang nagbo-book ng mga show dito sa Los Angeles, naloka sila sa ugali ng mahusay na aktres dahil hindi nila ini-expect na may attitude pala ito.

"Ayaw niyang nagpapa-picture sa fans o sa mga nanood ng show nila, kung magpapa-picture man, pilit ang ngiti. liang beses siyang kailangang tawagin para lang magpa-picture, halatang pilit at hindi rin palangiti. "Feeling niya ay utang na loob ng mga tagarito na magpa-picture siya, hindi ba niya alam na kaya siya nakapuntna ng Amerika para mag-show ay dahil binayaran siya ng mga Pinoy fans?

“Malaki ang ibinayad sa kanya, malaki ang siningil sa amin, at sa ginawa niya, malabo na siyang kunin. Mas mabait talaga sina _____ (singer/actress) kumpara sa kanya.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi lang ang mahusay na aktres ang kinamumuhian ng mga taga-California, kasama rin ang isang aktres na magaling magpatawa dahil parati raw nakasimangot.

Wala naman daw talent sa pagkanta dahil parang nilalagaring yero ang boses, pero kung makaasta ay sikat na sikat.

“Ano ba show niya, di ba _____ (programa) lang? Bakit inarte siya? Kung hindi pa siya nadikit kay _____ (aktor), hindi naman siya pag-uusapan na,” sabi pa sa amin.

Samantala, may gustung-gustong makita nang personal ang mga taga-LA kaya panay ang tanong nila kung kelan daw pupunta para mag-show sa LA, ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Sabi namin, ‘hindi naman po kumakanta si Kris, ano gagawin niya?’

“Siya na lang mag-host ng show dito kasi gustung-gusto namin siya, type namin ang pagiging blunt niya, pag-uwi namin ng Pilipinas gusto namin siyang puntahan sa KrisTV,” say sa amin.

Biro nga namin, bakit hindi na lang imbitahan ng mga taga-LA ang KrisTV team para mai-feature sila, tutal nadalaw na ng show ang ilang Asian countries at nai-feature sa nasabing programa.