Hangad ng PhilCycling na maipagpatuloy ang tagumpay ng BMX sa 2014 sa pamamagitan ng pagtutok sa major international competitions upang mapasakamay ng bansa ang berth sa Rio de Janeiro 2016 Olympics.

Inatasan nina PhilCycling President Abraham “Bambol” Tolentino at Chairman Bert Lina ang federation board at mga pinuno ng commissions para sa iba’t ibang disciplines upang mapalakas ang preparasyon para sa ikaanim na edisyon ng Le Tour de Filipinas at Asian Championships sa Road at Track (Thailand) sa Pebrero at maging ang qualification races sa BMX sa Rio 2016 at Singapore SEA Games sa Hunyo.

Napasakamay ng cycling sa Pilipinas ang unang gintong medalya sa Incheon 17th Asian Games noong nakaraang Setyembre sa kortesiya ni Daniel Caluag, na hangad namang magpartisipa sa kanyang ikalawang sunod na Olympics matapos ang London noong 2012 at sumabak sa sa UCI-qualifying races sa 2015.

Nasa kalendaryo rin ng PhilCycling ang ikalawang edisyon ng nagbabalik na Asean MTB Cup kung saan si Danao City Councilor Oscar “Boying” Rodriguez, ang PhilCycling’s mountain bike and technical commission head, ang muling magiging punong-abala sa Cebu sa Pebrero 23 at 24.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nanawagan din ang PhilCycling sa lahat ng race organizers, sa road, track, MTB, BMX, cyclo-cross at cycling for all (advocacy), na iparehistro ang kanilang mga event sa federation ([email protected]). Pinagtutuunan ng federation na mailahad agad ang kalendaryo para sa 2015.