NAGTATAWA ang kaibigan kong senior jogger na si asyong Marcelo ng Maybunga, Pasig City matapos mabasa noong Martes ang kolum ni sportswritercolumnist Recah Trinidad tungkol kay WBA welterweight champion at pound-for-pound king Floyd Mayweather na pinangalanan kong Fearweather dahil takot labanan si Manny Pacquiao. “Pilyo kang talaga,” sabi ni asyong. “Pinalitan mo pala ang Mayweather ng Fearweather dahil naduduwag siyang sumagupa kay Pacman.” Tugon ko: “Pati yung unang pangalan niya ay pinalitan ko ng Foiled sa halip na Floyd. Mas angkop ang ipinangalan ni Recah na Flawed.” so, ang bagong pangalan ngayon ni Floyd Mayweather ay Flawed Fearweather.

At may pagka-swapang din si Fearweather dahil lalabanan lang daw niya si Manny kung ang hatian ay 70-30 pabor sa kanya. ano sa palagay ninyo Mike Enriquez at Francis Flores?

Talagang mabisa ang Oratio imperata na inusal ng mga Pilipino kontra Typhoon Ruby. Tumama si Ruby sa Eastern Visayas ngunit ang hangin at ulan nito ay mahina lamang di tulad ni Typhoon Yolanda. Katulad din ito ng pag-aalay ng mga itlog kay santa Clara sa Obando, Bulacan para hindi bumuhos ang ulan lalo na kung may mahalagang okasyon tulad ng kasal, binyag, anibersaryo, atbp.

Marahil ay epektibo rin ang araw ng immaculada Concepcion (Dis. 8), natatanging araw ng Mahal na Birheng Maria, na isang araw ng obligasyon sa simbahang katoliko, para magsimba at dakilain ang ina ni kristo. siya ang patron ng Pilipinas. Salamat po, Pope Francis sa kaloob mong dasal at simpatiya sa mga Pilipino sa panahon ng kalamidad, unos, bagyo, lindol, at daluyong.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sumemplang si DILG Sec. Mar Roxas lulan ng motorsiklo habang nagiinspeksiyon sa ilang lugar sa Eastern Samar kaugnay ng pananalasa ni Ruby. Mabuti na lang at hindi niya kaangkas si Rep. Ben Evardone. Binatikos si Roxas ng netizens sa online, gaya ng pagtuligsa sa kanya sa pagpapasan ng sako ng bigas at pagtatrapik sa daan sa layunin daw na lumakas ang hatak niya sa 2016 elections. Gayunman, ilang netizens, tulad nina noel Basco, amelia Gonzales at Gilbert Alcasid, ang nagtanggol kay Sec. Mar na dapat nga siyang purihin dahil tumugon sa emergency at hindi inisip ang kaligtasan para lang makapagsilbi sa mga biktima ng bagyo.