TARLAC CITY— Talamak nanaman sa panahon ngayon ang salisi gang, patunay na rito ang apat na babae na kung saan biniktima ang isang ginang.

Tinangay nito ang pera, atm at mga papeles sa isang sikat na food chain sa F. Tanedo St. Barangay Poblacion sa Tarlac City, Lunes ng tanghali.

Kinilala ni PO2 Benedick Soluta, may hawak ng kaso, ang biktimang si Marieta Cunanan, 37, ng Bgy. Mababanaba, San Jose sa Tarlac.

Ayon sa report, habang nag-oorder ng pagkain si Marieta sa cashier ay nilapitan siya ng apat na babae at ang isa sa mga ito ay dumikit at lihim na binuksan ang kanyang bag hanggang matangay ang kanyang wallet.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Patuloy kumikilos ang pulisya sa pamamagitan ng paghingi ng video mula sa CCTV camera.