Disyembre 9, 1992, opisyal na ipinahayag ang paghihiwalay nina Prince Charles at Princess Diana na binasa ng noo’y British Prime Minister John Major sa House of Commons.

May dalawang anak ang mag-asawa, sina Prince William at Prince Harry, sa 11 taon nilang pagsasama. Ipinagdiwang ng mundo ang kanilang pagpapakasal noong Hulyo 29, 1981 na sinaksihan ng isang bilyong manonood sa telebisyon at sinundan ng mga makasaysayang tagpo para sa royal couple. Ngunit ang kanilang fairy-tale ay hindi nagkaroon ng masayang wakas nang mabahiran ng pangangaliwa sa magkabilang panig ang kanilang paghihiwalay.

Patuloy nilang ginampanan ang kanilang royal responsibilities matapos ang kanilang diborsiyo noong Agosto 1996, at makalipas ang isang taon nang walang settlement, namatay si Princess Diana sa isang aksidente sa sasakyan sa Paris, France. Muling nagpakasal si Prince Charles sa kanyang sinasabing kalaguyo na si Camilla, ang kasalukuyang Duchess of Cornwall.
National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga