MAPAPANOOD ngayong Martes ang pakikipagsapalaran ng Koreanang si Dasuri Choi mula Korea hanggang Pilipinas at kung paano siya nakikilala sa larangan ng showbiz sa Tunay na Buhay sa GMA-7.

Purong Koreana si Dasuri Choi pero ayon sa kanya, siya ay 100% pusong Pinay.

Nagsimulang sumikat si Dasori nang sumali at manalo siya ng second runner-up sa contest ng Eat Bulaga na “You’re My Foreignay”.

Mahilig talagang sumayaw si Dasori. Sa kagustuhan ipursige ang karerang ito, naging choreographer at back-up dancer siya. Pero ngayong nagsisimula na siyang makilala, siya na ang bida sa kanyang mga dance number at itinuturing na “the dancing diva.”

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Samahan ang broadcast journalist na si Rhea Santos na kilalanin si Dasuri Choi sa Tunay na Buhay ngayong Martes, 4:20 pm., sa GMA-7.