AFP -- Pinuri ni world number two Roger Federer ang bagong ligang International Premier Tennis League, sinabing ito ay “crazy but fun” makaraan niyang makuha ang madadaling panalo sa kanyang debut matches sa kabisera ng India kamakalawa.

Isang tumatawa at mapagbirong Federer ang tumalo kay Czech world number seven Tomas Berdych sa third leg ng team competition sa New Delhi sa unang pagkakataon ng paglalaro rito ng Swiss.

Ang karaniwang seryosong si Federer ay malinaw na ini-enjoy ang mga pangyayari sa kasagsagan ng kanyang tatlong matches sa harap ng Indian fans kabilang sina Bollywood stars Amitabh Bachchan at cricket great Sunil Gavaskar.

Matapos manalo sa kanyang doubles at mixed doubles matches kasama ang Indian teammates na sina Sania Mirza at Rohan Bopanna, nagdiwang si Federer sa pamamagitan ng pagsasayaw sa courtside bago nakisali ang kakamping si Gael Monfils ng France.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

“It’s crazy but it’s good fun. I definitely think there’s a place for this,” saad ni Federer at idinagdag na, “It’s competitive, it’s serious but it’s still light-hearted.”

Tinalo ng Indian Aces ni Federer ang Singapore Slammers ng 26 puntos laban sa 16 sa kumpetisyon na mayroong quickfire format, kabilang ang one-set matches na mayroong 20-second serve clock.

Si Federer, na hindi pa nakapaglaro sa India bago nito, ay sinabing ang kanyang karanasan ay “was big, it was loud, it was different”.

Sinabi ni Federer na hindi pa siya siguro kung gaano karaming extra tennis ang kanyang lalaruin sa susunod na taon, at gagawin niya ang desisyon sa kanyang iskedyul matapos ang Australian Open sa Enero.

“I gotta be careful not to overplay, clearly. I gotta still decide on Davis Cup, what I’m going to do there,” ani ng 33-year-old.

“But I’ll have a look after the Australian Open. That’s when I will decide how much I’m going to play next season,” sabi ni Federer na hawak ang rekord na 17 titulo sa Grand Slam.

“I’m going to play a full schedule like normal but the question is how much more will I add or not.”