PORMAL nang inihayag at ipinakilala ni MMDA Chairman at Over-All Chairman ng Metro Manila Film Festival (MMFF), Atty. Francis Tolentino, ang walong mainstream movies na sabay-sabay na ipalalabas simula sa December 25, sa 40th MMFF.

Ang naturang mga pelikula ay ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo; My Big Bossing; Shake, Rattle & Roll XV; Feng Shui 2; Praybeyt Benjamin 2; Magnum Muslim. 357; English Only Please at Kubot: The Aswang Chronicles.

Ayon kay Chairman Tolentino, nang i-present niya ang eight official entries na ginanap sa Sampaguita Gardens sa Valencia, Quezon City, nanininiwala siya na muling tatangkilikin ang festival ng mga manonood katulad noong successful showing nito in the 2013 MMFF.

Hindi nagtagal sa event si Chairman Tolentino dahil kailangan niyang bumalik sa meeting tungkol sa paghahanda ng buong bansa sa bagyong Ruby, kaya si Ms. Marichu Maceda,ng MMFF execom ang sumagot sa mga katanungan ng press, isa sa mga ito ay kung kaya bang pantayan ng this year’s MMFF ang box office returns ng MMFF 2013.

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

Inamin ni Manay Ichu na nakadepende ito sa puwedeng mangyari sa bansa dahil sa bagyo. Lahat ng mga dumalo sa presscon, sa pangunguna ni Robin Padilla, ay nagdarasal na malalampasan natin ang pagsubok na ito.

Ang ilan pa sa mga artistang dumalo ay ang mag-amang Niño at Alonzo Muhlach, Rufa Mae Quinto, Rez Cortez, Cai Cortez, Kean Cipriano, Len-Len Frial, Bernard Palanca, Rommel Padilla, Isabella de Leon, producers at iba pang representatives ng bawat pelikulang kalahok.

Nagbigay na rin ng babala si Manay Ichu na dapat sumakay sa float sa parade of stars at sa awards night ang lahat ng mga artistang kasama sa bawat pelikula.

Magkakaroon kasi ng penalty ang bawat lead stars na hindi dadalo sa dalawang okasyon ng MMFF 2014.

Inihayag din na Manay Ichu na ang parade of stars ay gaganapin sa December 23, 1:00 p.m., na magsisimula sa Bradeo Avenue in Pasay City na magtatapos sa isang show sa Quirino Grandstand. Ang awards night ay sa December 27, 7:00 p.m. sa Plenary Hall of the Philippine Internatiolnal Convention Center (PICC) in Pasay City.