KARANIWANG nagsisimula ang kabi-kabilang selebrasyon tuwing papasok ang holiday season — pagod, party, labis na pagkain at katakawan. Pero hindi nangangahulugan na kailangan mong dagdagan ang sukat ng iyong baywang.

Narito ang ilan sa mga simpleng paaraan na makatutulong upang maiwasan ang paglobo ng katawan.

1. Kumain na nakakamay

Ang simpleng trick na ito ay makatutulong sa pagbagal ng pagkain dahil ikaw ay “more aware of what you’re eating because it’s a conscious effort,”sabi ni Susan Albers, Psy.D., sumulat ng Eat Q: Unlock the Weight-Loss Power of Emotional Intelligence at psychologist sa Cleveland Clinic. Isang pag-aaral din ang nagsasabing nakatutulong ito na mabawasan ng 30 percent ang kinakain.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

2. Kumain ng mint

Sinasabing nakababawas ng gana sa pagkain ang peppermint at may epekto ito sa panlasa. “Think about how unappetizing it is to eat something after you brush your teeth,” ayon kay Albers. Puwede itong subukan sa pamamagitan ng paggamit ng breath mint, mouthwash o gloss sa labi, sabi ni Elisa Zied, isang registered dietitian at sumulat ng librong Younger Next Week. Ayon kay Albers epektibo rin ang pagkain ng candy cane, “since it takes a long time to eat and [will] keep your hands occupied.”

3. Iwasan ang mga nakasanayan

Maraming masasarap na seasonal na pagkain, ngunit payo ni Albers na iwasan ang cookies, brownies at iba pang pagkain na nakakain naman sa pangkaraniwang araw. Kasama sa listahan na sulit kainin ang eggnog at pecan at pumpkin pies. “Don’t waste calories — move on to something else,” payo ni Zied.

4. Limitahan ang pag-inom

May dalawang pakinabang ang pagpili ng pinakamaliit na cocktail glass sa mga party: maiiwasan ang “drunk-texting” at malilimitahan ang makukuhang calories. Ang isang serving ng wine (5 ounces) ay may humigitkumulang 100 calories, habang ang isang baso ng eggnog ay may higit 200 calories. “Be mindful of the glass and know your limits,” pahayag ni Albers.

5. Go bubbly

Hilig ni Joy Bauer, nutritionitst ng Today Show sa NBC at founder ng Nourish Snacks, na uminom ng dalawang bote ng calorie-free carbonated water bago ang holiday celebration. “The bubbles really fill you up,” sabi niya.

6. Kumain ng gulay

Hinihikayat ni Zied ang kanyang mga kliyente na kumain ng mga water-rich na gulay at lean protein sa isang buong araw para mapanatili ang gana nilang kumain bago ang holiday celebration. Ang mga gulay tulad ng romaine lettuce, peppers, tomatoes, carrots, kale, at cauliflower ay may mababang calories ngunit sagana sa tubig, at meron itong fiber at iba pang nutrients, paliwanag niya.

7. Dress to impress

Ang pagsusuot ng mga damit na formfitting na nakakaliit ng katawan ay nagiging rason para kumain ng marami. “Feeling good in your outfit is a great way to reinforce moderate eating and drinking,” sabi ni Zied.

8. Makisali sa masasayang gawain (tulad ng shopping)

Masarap mamahinga at mag-hibernate tuwing malamig ang panahon, pero sa pagsali sa mga gawain sa holiday season ay nakatutulong sa pagbawas ng calories kahit hindi mag-gym. Sabi ni Albers na ang holiday shopping ay isang epektibong paraan upang magbawas ng calories, maging ang pangangaroling sa inyong mga kapitbahay ay isang uri ng ehersisyo.

9. Planuhing maigi ang mga pupuntahang okasyon

Payo ni Bauer, piliing maigi ang mga party na pupuntahan. Masayang maimbitahan sa lahat ng pagdiriwang pero ang pagpunta sa lahat ng ito ay nakakapagod at maaaring maging sanhi ng pagkain ng marami.

10. Practice ‘Out of sight, out of mind.’

Subukan umiwas sa buffet table at dining room. Hindi ka matutukso kung hindi mo natatanaw ang dessert tray. “When food is calling your name go somewhere where food can’t follow you,” sabi ni Albers. Payo rin ni Bauer ang pagsama sa mga “talkers” at hindi sa mga “eaters.” “Eating is so contagious,” sabi niya. “Make a point to catch up with old friends and relatives.”