Raffy Tulfo

PANAY ang tawanan ng lahat ng dumalo sa launching ng ATC Healthcare Corporation nang magkuwento ang astig na TV/radio host/commentator na si Raffy Tulfo na kinuhang ambassador ng Robust Extreme kasama si Jackie Rice dahil nagiging matatag daw ang lahat ng lalaking umiinom nito.

Aminado ang isa sa tigasing hosts ngIsumbong Mo Kay Tulfo na umiinom siya nito pero hindi ibig sabihin ay wala na siyang silbi kaya niya iniinom.

“’Yung Robust kasi may misconception na kapag uminom ka, ibig sabihin mahina ka na at kailangan mo na ng lakas, hindi po, kundi para ma-enjoy mo ang intimacy,” pahayag ni Raffy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya tinanong siya kung ano ang nagiging epekto nito kapag umiinom siya.

“Matigas, matibay. Ang Robust Extreme, saludo ako, one-week ‘yan (ang epekto), subukan n’yo. One week ang tama. Ganito kasi, inumin mo ngayon, kinabukasan ‘pag wala kang partner, hindi siya makulit, ‘pag may partner ka, saka magiging makulit, kasi nasubukan ko, eh,” seryosong sabi pa, pero aliw na aliw naman sa mga sinasabi niya ang mga katoto at iba pang dumalo sa event.

Aniya pa, walang side-effect ang Robust Extreme.

“Wala naman, totally, base sa mga kakilala ko at sa akin, walang side effect,” say ng TV/radio host. “Ang kagandahan pa sa Robust kumpara sa ibang iniinom din ng mga lalaki, kapag nakainom ka (ng alak), hindi na tumatalab, sa Robust, kahit na nakainom ka at may tama ka na, tatalab pa rin. Totoo ‘yan, kasi nasubukan ko nga,” pahayag pa niya.

Samantala, si Jackie naman bagamat hindi umiinom ng Robust ay kinuha pa rin para maging ambassadress dahil sa kanyang angking kagandahan kaya natanong din kung may experience na siyang makainom nito.

Bumilib naman kami sa dalaga dahil hindi niya ito itinanggi, “Ang masasabi ko lang po, kami pa rin ng boyfriend ko at six years na kami kaya ano kaya ang sekreto?”

Sabay dagdag, “Kaya nagpapasalamat po ako kasi kinuha akong ambassadress kaya may supply na kami, ha-ha para po mas tumagal pa po kami.”

Pero hindi pa raw siya handang magkaanak kaya nagpa-practise sila ng boyfriend niya ng safe sex at hindi raw siya nahiyang aminin ito dahil liberated siya at higit sa lahat, wala namang asawa ang boyfriend niya kaya umaasa sila na sila na ang magkakatuluyan dahil ayaw niyang iba-iba ang karelasyon.