Pinakukuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ang mga kumpanya ng langis bago nila gigibain ang kanilang oil depot sa Pandacan, Manila.

Idinahilan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje, na bago nila bibigyan ng ECC ang mga oil company ay kinakailangan muna nilang magsumite ng environmental impact study na nakasaad ang plano nilang gagawin sa lugar na kanilang iiwan at mga hakbang upang maiwasan ang kontaminasyon sa lugar habang isinasagawa ang relokasyon o paglilipat.

“It is important to conduct assessment to check if there is soil contamination. If the area is to be used for another purpose such as commercial or residential later and it is contaminated possible remedy could be treating the soil in place or excavating the contaminated portion. Developers would have to comply with the standards of clean air, clean water and handling of hazardous wastes,” pagdidiin nito.

Nilinaw ni Paje na tatagal ng limang taon ang isasagawang remediation process, mas matagal kaysa sa relocation period na anim na buwan.

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!

“The DENR would guide the oil companies in the relocation process, including the safeguards to be observed in order to avoid oil spill or contamination of ground water,” dagdag niya.

Iniutos ng Korte Suprema sa mga oil company na ilipat ang oil depot dahil sa seguridad ng mga residente.

Kabilang sa tinukoy na mga kumpanya ng langis ang Chevron Philippines Inc., Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Petron Corp. na inatasan ng Korte Suprema na magsumite ng kanilang comprehensive relocation plan sa loob ng 45 na araw sa Branch 39 ng Manila Regional Trial Court (RTC).

Ayon sa korte, labag sa Konstitusyon ang inilabas na City Ordinance ng Maynila na nagdedeklara bilang heavy industrial zone ang lugar.