Vilma Santos

MAY ekslusibong meeting na mangyayari sa susunod na buwan sa isang maimpluwensiyang government opisyal at kay Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.

Ito ang ibinalita sa amin ng isang incumbent public official na may konek sa maimpluwensiyang government official na ayaw muna niyang ipabanggit ang name.

Ayon sa aming informant, nagbigay na ng assurance na makikipag-meeting si Gov. Vi bagamat wala pang eksaktong petsa.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Ang pag-uusapan daw ay may kinalaman sa posisyon na tatakbuhan ni Gov. Vi sa 2016 elections. Last term na kasi ng butihing ina ng Batangas.

Pero ayon pa sa source, dumarami ang mga taga-Batangas na nangungulit kay Ate Vi na balikan ang pagiging mayor ng Lipa City. Mas higit daw siyang kailangan ng constituents niya roon.

Kung magiging positibo ang magiging resulta ng usapan nina Ate Vi at ng mataas na government official, malamang daw na pang-national position ang pangangampanyang gagawin ng Star for All Seasons next election.

“Medyo malabong tumakbo para senador si Gov. Vi dahil ang kanyang asawang si Senator Ralph (Recto) will seek for another term. Pero p’wede rin namang dalawa silang running for senator at first time yata na mangyayari ‘yan,” sey pa ng source namin.

Sa kakukulit namin sa source, nalaman namin na intensiyon ng high government official na makaka-meeting ni Ate Vi na plantsahin ang plano ng kanilang partido na ang Batangas governor ang maging pambato nila para vice-president.

Malayu-layo pa naman ang 2016 elections kaya kahit anong pilit kay Ate Vi ay paulit-ulit niyang binabanggit na wala siyang political plan. Lalo na ngayon na ang pinagkaabalahan niya ay ang Ala Eh Festival na gaganapin sa Taal Batangas ngayong Dec. 1 to Dec. 8.