MAY sorpresang nag-aabang para sa mga bata dahil simula bukas ay magsisimula na ang Christmas Cartoon Festival Presents tampok ang mga kuwentong tiyak na kagigiliwan ng lahat.

Mapapanood bukas ang Molly and the Christmas Monster na adventure sa paghahanap ng Christmas monster. Sa Martes at Miyerkules naman mapapanood ang Blinky Bill’s White Christmas. Dahil nalalapit na ang Pasko, abala na ang lahat ng mga taga-Greenpatch na pagandahin ang kanilang town square. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magaganap. Makapag-celebrate pa kaya sila ng Pasko?

Istorya naman ng paglalakbay nina Mary at Joseph sa Bethlehem at ang kapanganakan ni Jesus Christ ang mapapanood sa Huwebes saThe Christmas Storykeepers.

Abangan naman ang caroling ng makukulit na daga sa Mole’s Christmas na mapapanood sa Biyernes (Disyembre 5).

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Ilan lamang ang mga ito sa cartoon specials na siguradong susubaybayan ng lahat. Abangan din ang iba pang mga istorya tulad ng Noddy Saves Christmas, Postman Pat: Magical Christmas, A Snow White Christmas, The Forgotten Toys, The Crippled Lamb, Smurfs Christmas Specials, Casper’s Haunted Christmas, He-Man and She-Ra Christmas Special, Frosty The Snowman, and Rudolph the Red Nosed Reindeer.

Abangan ang Christmas Cartoon Festival Presents mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Ghost Fighter sa GMA.