KIM Chiu

MANGIYAK-IYAK ang kabagu-bagong tanghalin bilang Best Drama Actress ng katatapos na PMPC Star Awards for Television na si Kim Chiu pero diretsahang sinagot ang isyung binili raw niya ang napanalunang tropeo.

Sa interbyu sa Aquino & Abunda Tonight nina Boy Abunda at Kris Aquino, ipinaliwanag ng tsinitang aktres na wala siyang binayaran isa man sa mga taga-PMPC para lamang pumabor sa kanya ang mga boto ng mga miyembro nito.

Ipinanlaban ni Kim sa napanalunang kategorya ang kanyang papel sa seryeng Ikaw Lamang at nakalaban niya sa sina Maricel Soriano, Bea Alonzo, Angel Locsin, Maja Salvador at Dawn Zulueta.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“I cannot please everyone. May kani-kaniya naman tayong idolo at gusto natin ‘yung pinaka-the best para sa taong iniidolo natin,” sabi ni Kim, at idinagdag na kung gusto nga lang daw niyang bumili at kung nabibili ang award ay noon pa sana niya ginawa para naging best actress na agad siya noon pa.

“Ang social media ngayon, sobra na. Siyempre sa tagal ko dito sa showbiz, masakit din pagsalitaan ka ng gano’n. Sa walo kong teleserye, ngayon lang ako nakatanggap ng recognition. Siyempre pangarap ko ‘yon,” emosyonal na pahayag ni Kim.

Isa sa mga nagiging sandalan ni Kim sa isyung ganito ang ka-love-team niyang si Xian Lim.

“Sabi ko kay Xian, ‘Xi, hindi ba ako marunong umarte? Hindi ba ako nakaka-inspire ng maraming tao sa ginagawa ko?’ Sabi niya, ‘Hayaan mo na sila. At the end of the day, na sa ‘yo naman ‘yung trophy. Iyon naman ang importante. Kahit ano’ng sabihin nila, hindi naman nila mababawi ‘yon’,” kuwento ni Kim.

Aniya, sobrang unfair ang masasakit na sinasabi sa tungkol kanya na tila ba nabalewala na lang ang effort, pagod at puyat niya sa taping ng Ikaw Lamang.

“Well, okey lang naman. Pero sa lahat ng mga bumabatikos, ‘yung mga nanlalait sa akin, gagawin ko na lang silang inspirasyon para higit na pagbubutihin ko pa ang mga susunod kong gagawing serye o pelikula man,” matapang na pahayag ni Kim.