Bukod sa apat ang patay, isa ang nawawala at daan-daang bahay winasak at umabot sa halos 7,000 residente ang nagsilikas dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Queenie’ sa Visayas at Mindanao.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may 1,498 pamilya, katumbas ng 6,933 residente, ang nagsilikas sa kanilang mga tahanan at ngayon ay nasa 30 evacuation center.

Nanguna sa talaan ang Bohol na may 4,505 katao, pumangalawa ang Dinagat Island na halos 1,000, habang daan-daan din ang nagsilikas sa Surigao del Sur, Surigao del Norte, at Cebu.

Apat ang napaulat na namatay at kabilang ang isang engineer sa Bohol, isang mangingisda sa bayan ng Garcia-Hernandez, Bohol, isang matandang babae sa lalawigan ng Cebu at isa ring mangingisda habang naglalayag mula sa Siquijor papuntang Negros Oriental.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Sa Region 7, apektado ang lugar ng Sibonga at Oslob, Cebu, Jagna at Tagbiliran City, Bohol, Negros Oriental na may 600 na bahay ang nasira dahil sa malalakas na hampas ng alon sa tabing dagat na dulot ng bagyo.

Sa ngayon ay inaalam pa ng awtoridad ang halaga ng pinsala ng kalamidad.