Mga laro ngayon: (Rizal Memorial Baseball Diamond)

7 am ADMU Srs. vs ILLAM

10 am Adamson vs Philab

Matira-matibay ang matutunghayan ngayong umaga sa pagitan ng Ateneo de Manila University (ADMU)-Seniors at International Little League Association of Manila (ILLAM), gayundin ang Adamson University (AdU) at nagtatanggol na kampeon na Philab sa dalawang knockout game ng 2nd PSC Chairman’s Baseball Classic sa Rizal Memorial Baseball Diamond.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Unang magsasagupa sa ganap na alas-7:00 ng umaga ang ADMU Seniors at ILLAM kung saan ang mabibigo ay tuluyang mapapatalsik sa kampeonato, gayundin sa ikalawang salpukan sa ganap na alas-10:00 ng umaga sa pagitan ng Adamson at ang 1st PSC Chairman’s at PSC Commissioner’s Cup champion na Philab.

Magkakasalo ang ADMU Seniors, ILLAM, Adamson at Philab sa ikalawang puwesto na may 2-1 (panalo-talo) karta kung saan ang makalalasap ng ikalawang kabiguan ay tuluyang magpapaalam sa torneo habang ang magwawagi ay makakasagupa naman ang naghihintay sa quarterfinals na University of the Philippines (UP) at National University (NU).

Naghihintay naman sa quarterfinals ang kapwa walang talong Unicorns at Philipine Air Force na bitbit ang 3-0 kartada habang ang UP at NU ay may 1-1 marka.

Huling tinalo ng ADMU Srs. ang napatalsik na Rizal Technological Univeristy (RTU), 4-1, habang binigo ng makakalaban nitong ILLAM ang Bulacan State University (BSU), 4-0. Binigo naman ng Adamson para sa ikalawang panalo ang ADMU Jrs., 5-3, habang sinilat ng Philab ang University of Santo Tomas (UST), 16-0.

Isinagawa ang torneo na ipinangalan sa PSC Chairman upang makakuha ng istatistika ng mga manlalaro na siya namang magsisilbing basehan upang mapili ang mga posibleng makasama sa pambansang koponan na bubuuin para isabak sa mga internasyonal na torneo.