Nobyembre 26, 2008 nang simulan ng 10 armado na iniuugnay sa teroristang grupong Pakistani na Lashkare- Taiba ang magkakahiwalay na pag-atake dakong 9:30 ng umaga, gamit ang mga granada at automatic weapons. Lulan sa bangka, nilisan nila ang Karachi sa Pakistan tatlong araw na ang nakalipas.

Hanggang Nobyembre 28 ay pinatay nila ang 164 na sibilyan sa iba’t ibang lugar sa Mumbai, India, kabilang ang Chhatrapati Shivaji railway station, Leopold Café, isang sinehan, at dalawang ospital. Noong Nobyembre 28, sinabi ni noon ay Pakistani President Asif Ali Zardari na “nonstate actors” ang nagsagawa ng pag-atake.

Mahigit 300 katao ang nasugatan at siyam sa 10 terorista ang napatay. Noong Pebrero 25, 2009, ang nagiisang nakaligtas na terorista na si Mohammed Ajmal Kasab ay kinasuhan, at binitay noong Nobyembre 21, 2012.
National

Amihan, shear line, ITCZ, patuloy na magpapaulan sa PH