Puwede ka bang matisod kapag sinusundan mo ang iyong mga pangarap? Puwede kang maglakad nang natutulog sa buong buhay mo, kahit nakadilat ka pa, at hindi mo mapapansin ang iyong ginagawa. Maaari mo ring makumbinsi ang iyong sarili na pinatitibay mo ang iyong career habang inaabuso ng iyong superiors ang iyong talents at kasipagan. Puwede ka ring magmistulang alipin ng isang proyekto kahit wala ka namang interes roon. Puwede ka ring magkunwari na interesado ka sa ilang aktibidad hanggang sa mapaniwala mo ang iyong sarili na interesado ka nga. Puwede mo ring isipin na sinusunod mo ang sarili mong estratehiya sa pagsisikap na matupad ang plano ng iba.

Puwede kang magtagal sa trabahong kinasusuklaman mo, na magbayad sa mga bagay na hindi mo kailangan, at mapahanga mo ang mga taong hindi mo gusto. Oo, puwede kang makulong sa isang bitag kahit alam mo ang kailangang gawin.

Kapag natuklasan ko na lang na nasa isang situwasyon ako na kailangan kong magtrabaho nang todo-todo ngunit hindi naman sapat ang kinikita, na ginagawa kong mas matagumpay ang iba, parang gusto kong magalit sapagkat naroon ang pakiramdam na niloloko ko ang aking sarili. Akala ko, mas matalino ako. Na

mas angat ako kaysa iba.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

Ngunit hindi naman ako ganoon. Katulad ko rin naman ang iba. Bilang tao, tayo ay naiimpluwensiyahan, nasasanay sa maliliit na kagawian. Madali tayong ma-distract, lalo na kung maraming sumasalungat sa mga nais nating mangyari.

Kaya tinigilan ko ang pagkainis sa aking sarili, nag-resign ako at ginamit ang libreng panahon sa pagiisip sa kung ano ba talaga ang aking pagkakamali at kung paano ako nakarating sa dusa. Ang mga nangyari sa akin ay hindi naman nakapagdulot ng malalaking pagbabago sa aking buhay, kundi mga mumunting habit at mga maling akala na nakapasok sa aking pang-araw-araw na pamumuhay nang hindi ko man lang napansin.

Sundan bukas.