Kris Aquino

LAST two shooting days na lang ang Feng Shui kaya’t umabot ito sa deadline ng Metro Manila Film Festival (mapapanood simula December 25).

Ito ang mensahe sa amin ni Kris Aquino nang kumustahin namin siya noong Lunes ng hapon nang mabalitaan namin na nagkasakit daw siya. Pero hindi naman daw sakit ang dumapo kundi talagang ngarag siya sa araw-araw at magdamagang shooting ng pelikula nila.

A few weeks ago, tuwing tatanungin namin si Kris kung aabot ang Feng Shui ay parati kaming sinasagot ng, “only God knows”. Kasi naman papasok na ang unang linggo ng Nobyembre ay iilang eksena pa lang niya ang kukunan, bagamat nauna nang kunan si Coco Martin at ang iba pa nilang co-stars.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya nang mag-full blast na sila ng shooting ni Direk Chito Roño ay dire-diretso naman na parang walang kapaguran.

Maraming gabi ring hindi napapanood si Kris sa Aquino & Abunda Tonight, mag-isa lang si Boy Abunda, dahil hindi na siya bumabaklas sa shooting. Pero hindi naman daw siya pumapayag na buong linggo siyang wala sa programa.

“I was on A&A Thursday (November 20) and Friday (November 21),” aniya.

Pero noong nakaraang Linggo, Nobyembre 23 ay wala sa The Buzz ang Queen of All Media at noong sinundang Linggo nang mapadaan kami ni Bossing DMB galing sa special preview ng Bagito ay hindi namin siya inabutan dahil maaga raw umalis at magsisimba pa at diretso sa night effect ng Feng Shui.

Karamihan ay night effect pala ang Feng Shui kaya magdamagan ang shooting ni Kris at kinabukasan ay kailangan niyang gumising nang maaga para naman sa KrisTV Live sabay advance taping pagkatapos.

At kaya parating masama ang pakiramdam ng TV host/actress ay, “Just getting up, nabaliktad na kasi my day, I’m awake shooting all night, asleep daytime. Last 3 nights, Reg, kaya pa ‘to. Super nakaka-PROUD naman ang Feng Shui, nakaka-insane nga lang sa pagod.”

Semi-insane na nga raw siya sa sobrang pagkangarag sa shooting.

Gusto sana naming itanong kung bakit dalawa na si Lotus Feet, sino ang isa pa? ‘Kaloka, dati na ngang nakakatakot ang isa, dinagdagan pa ni Direk Chito.

Samantala, napapanood naman namin sa KrisTV na fresh na fresh ang Queen of All Media at nabanggit niya na nanggaling daw siya sa pictorial para Feng Shui poster, “lapot na sa shooting”.

Pinuri namin ang wig na suot niya dahil maganda na parang tunay na buhok.

“The wig is from the same company that makes for Beyonce, kaya good quality hair!”

Ang taray ng wig, mahal, sabi namin sa TV host/actress.

Samantala, sa mga taga-Cubao ay blessing na ng Chow King branch ni Kris kasama ang business partner niyang si Dominic Hernandez sa Alimall sa Biyernes, Nobyembre 28 sa ganap na alas diyes ng umaga.