Mga laro ngayon: (Ynares Sports Center-Anti polo )

4:15 p.m. Barako Bull VS. Blackwater

7 p.m. Purefoods VS. Kia Sorento

Umangat sa ikaapat na puwesto at hinahangad na ikaapat na dikit na panalo ang tatangkain ng Purefoods Star sa kanilang pagsagupa sa baguhang Kia Sorento ngayon sa PBA Philippine Cup sa Yanres Sports Center sa Antipolo City.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Mula sa kanilang 1-3 panimula, unti-unti nang umaangat ang reigning grandslam champion na Star Hotshots matapos magposte ng tatlong sunod na panalo, ang pinakahuli ay kontra sa Meraleo noong nakaraang Martes sa larong ginanap sa Binan, Laguna.

Dahil sa panalo, solo nilang inokupahan ang ikalimang puwesto na hawak ang barahang 4-3 sa likuran ng Barangay Ginebra at Talk 'N Text na nasa ikaapat na puwesto.

Matutukan naman ang laban, kahit na magbalik at maglaro pa ang playing coach ng Sorento na si Manny Pacquiao, ang hangad ng Star Hotshots.

Kung mayroong inihandang magarbong pagsalubong para sa world boxing icon, sinabi ng mga manlalaro ng Purefoods, partikular ang kanilang pangunahing defender na si Jean Marc Pingris, na hindi nila sasantuhin si Pacquiao pagdating sa loob ng basketball court.

"Trabaho lang, kahit si Manny Pacquiao pa siya, didipensahan ko pa rin. Professional naman si Manny kaya alam ko maiintindihan niya 'yun. Basta pipilitin kong magpokus at hindi ako magpapa-distract sa presence niya," pahayag ni Pingris.

Ayon naman sa 2-time MVP na si James Yap, kailangan nilang paghandaan nang hutso ang Kia dahil tiyak na mabibigyan ang mga ito ng dagdag na inspirasyon mula sa pagkapanalo ng kanilang playing coach laban kay Chris Algieri noong nakaraang Linggo.

"Dapat go hard talaga kami against Kia. Kasi pag nandoon si Manny, sigurado mai-inspire niya 'yung mga player nila. Kaya kailangan laban talaga," ani Yap.

Nasa ikasiyam na posisyon sa kasalukuyan ang Sorento na naghahangad na makamit ang kanilang ikalawang panalo at maputol ang kinasadlakang pitong dikit na pagkatalo makaraang maipanalo ang kanilang opening day match laban sa Blackwater.

Una rito, magtutuos naman sa unang laban sa ganap na alas-4:15 ng hapon ang Barako Bull (2-6) at ang winless pa rin na Blackwater Sports