AWA ang naramdaman namin sa kilalang aktor na feeling sikat at feeling ang galing-galing umarte dahil siya ang laman ng usap-usapan sa lahat ng showbiz events na dinaluhan namin last week.

Actually, naaawa rin ang mga nagkukuwento ng nangyari sa kilalang aktor na feeling sikat at feeling ang galing-galing umarte pero sana raw nag beg-off na lang siya sa role sa isang big project na hindi naman niya kaya pang gampanan.

Sa shooting, inaabot pala ng mahigit 30 takes ang aktor! Yes, mahigit 30 takes na pero hindi pa rin niya makuha ang acting na ipinapagawa ng direktor. Pang-Guinness nga raw ang record na ito.

Narito ang usapan at nakikinig lang kami sa totoo lang...

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Nagmumukha siyang tanga, sana hindi na lang niya tinanggap ‘yung project kasi mahirap talaga ‘yun. Pero ambisyoso masyado, akala siguro niya kaya niya ang role o mas gusto yata niya talagang pinagtatawanan siya,” sabi ng isang katoto.

Hirit naman ng kilalang entertainment editor, “Eh, feeling niya challenge sa kanya ‘yun kasi magagaling ang mga kasama niya, eh, ano’ng nangyari, siya ang papatay sa career niya mismo.”

Kuwento naman ng kilalang talent manager, “Kung ako ang manager niya, hindi ko siya papayagan, bakit ko isusugal ang alaga ko sa ganu’n?”

Katwiran ng isang producer ng TV programs, “Akala kasi may pagbabago since nakailang workshops na at saka malay ba naman ng direktor na hindi pala siya marunong umarte.”

Sabay-sabay tanong ng mga nagkukuwentuhan, “Sino ba kasi naglagay sa kanya sa project na ‘yun?”

Oo nga, sino nga ba ang casting director? Tiyak iyon ang masisisi ‘pag hindi nag-work out at project.