blind item shades

MULING buksan ang puso. Ito ang drama ngayon ng isang magaling na aktres.

Kahit sinasabi niya sa mga interbyu sa kanya na hindi pa siya handang pumasok sa bagong relasyon, kabaligtaran daw iyon sa tunay na nararamdaman ng aktres ngayon.

Matagal na rin namang hiwalay si Aktres sa aktor na iniwan niya, kaya mag-isa niyang inaalagaan ang mga anak nila.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

In fairness, bangungot na matatawag ang naging buhay ni Aktres sa piling ng hiniwalayang asawa. Ilang taon silang nagsama, at bagamat hindi nagpabaya si Aktor sa obligasyon sa aktres at sa mga anak nila ay nalosyang naman si Girl dahil sa sobrang dinanas na konsumisyon sa asawa.

Ngayon, single na at maganda na ulit ang aktres at nakabalik muli sa showbiz nang bongang bongga. Sey pa niya, ngayon ay nagagawa niya ang anumang gusto niya na noon ay ipinagkait daw sa kanya.

Kamakailan ay may nakakakita na lumabas si Aktres ka-date ang mas nakabatang aktor. Sey ng drama aktres, “friendly date” lang naman daw ‘yun at hindi raw naman niya kasalanan kung mas bata pa ang nagkagusto sa kanya.

Kamuntik-muntikan nang magkaroon ng relasyon ang dalawa, pero may malalapit na tao sa aktres na nagpayo sa kanya na huwag patulan ang actor na hindi pa naman nahihiyang umamin na noon pa ay “crush” na siya. Ang haba ng hair ni Girl!

Nagkasama sa isang serye ang dalawa at doon nagkalapit ang loob at kamuntik nang mabuo ang relasyon.

Kitang-kita namang masaya ngayon si Aktres dahil bukod sa gumagandang takbo ng showbiz career -- sunud sunod na TV projects, kaliwa’t kanang product endorsements -- ay para siyang mabangong bulaklak na hindi nawawalan ng umaali-aligid na bubuyog at paru-paro. Bukod kasi sa young actor ay may isa pang aktor at negosyante na nanliligaw sa kanya.