CAPAS, Tarlac – Kahit malamig na ang panahon sa bansa ay mainit pa rin ang mga insidente ng aksidente sa lansangan, na kamakailan ay apat na katao ang nasugatan sa banggaan ng dalawang tricycle sa highway sa Barangay Manga, Capas, Tarlac.

Isinugod sa Tarlac Provincial Hospital sina Edwin Manabat, 38, driver ng Honda tricycle (RW-5386); Rosemarie Yalung, 15; at Stanley Yalung, isang taong gulang, pawang taga-Sitio Apalang, Bgy. Armenia, Tarlac City.

Payapang bumabagtas pahilaga ang tricycle na minamaneho ni Manabat nang aksidenteng makabanggaan ang kasalubong na tricycle na minamaneho ni Gerald Mallari, 26, ng bgy. Estrada, Capas.

Nasugatan din sa aksidente si Mallari.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkalat ang basura sa highway na pinaniniwalaang may kinalaman sa aksidente.