Makakaharap ng The Voice of the Philippines coach na si Bamboo ang dating bokalista ng Rivermaya, ang dating banda ng rock icon, sa blind auditions ngayong weekend.

Naging lead vocalist ng nasabing banda sa loob ng apat na taon si Jason Fernandez bago sumabak sa solo career at naglunsad ng sariling album. Bago pa man maging vocalist ng Rivermaya, naging suki rin siya sa iba’t ibang singing contests noong bata pa at ngayon nga’y sasabak sa pinakamalaking vocal competition sa telebisyon.

Abangan ang naging reaksiyon ni Bamboo at kung sinong coaches ang iikot para kay Jason.

Bukod sa kantahan, may isang artist din na gagamitin ang kanyang boses hindi lang para tuparin ang kanyang pangarap kundi para manawagan sa kanyang ama na umalis sa kanilang pamilya at matagal na niyang hindi nakikita.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sasabak din sa blind auditions ang isang tattoo artist, isang dating Star Magic talent, isang theater performer, dalawang kasambahay na may nakakaantig na kuwento, at isang artist mula Bohol na nangangarap ding maging artista.

Mainit na sinusubaybayan ang pagbubuo ng teams nina Coaches Apl, Sarah, Bamboo at Lea, kaya patuloy na namamayagpag sa ratings ng The Voice of the Philippines na pumalo sa national TV ratings na 30.4% noong Sabado (Nov 15) at 30% noong Linggo (Nov 16). Halos nangalahati lang dito ang mga kalabang programang Marian (14.4%), Celebrity Bluff (10.5%) at Kapuso Mo, Jessica Soho (17.7%).