Manny Pacquiao, Chris Algieri,

MACAU, (Reuters)- Siyam na buwan ang nakalipas, sumabak si American Chris Algieri sa isang venue na pinanood nang' di kukulangin sa 2,000 spectators, subalit sa Linggo ay eentra siya sa malaking lugar upang labanan si eight-division world champion Manny Pacquiao para sa WBO welterweight title sa Venetian Macao.

Tinagurian ang 30-anyos na si Algieri ng promoters bilang' real-life Rocky' dahil sa kanyang 'rapid at improbable ascension' bilang world title challenger, at' di siya problemado sa kanyang sitwasyon.

"Yeah, it's cool, but it doesn't faze me," pahayag nita sa reporters sa Macau bago ang pakikipagtagpo kay Pacquiao sa 15,000 seat arena sa dating Portuguese colony.

National

#WalangPasok: Listahan ng class suspensions sa Sept. 16, 2024

"I've literally seen this in my mind for a long time. And now it's here, it isn't I made it; it's, this is where I'm supposed to be."

Napasakamay ni Algieri ang kanyang title shot sa napakahirap na pagkakataon.

Siyam na buwan ang nakalipas, ang kanyang laban kay Emanuel Taylor ay kinapalooban lamang ng 1,555-seat venue sa kanyang hometown sa Huntington, New York.

Ang nasa bing unanimous points decision victory ang nagbigay sa kanya ng oportunidad upang labanan si Russia's WBO light welterweight champion Ruslan Provodnikov noong Hunyo.

Bagamat dumanas ng dalawang first-round knockdowns at napalaban na maga na ang kanang mata, napagtagumpayan ni Algieri (20-0,8 KOs) ang bakbakan via 12-round decision upang maitakda ang pakikipagharap nito kay Pacquiao.

Batid naman ni Pacquiao (56-5-2,38 KOs) na ang kanyang laban kay Algieri, tangan ang Masters degree at patuloy na dumadalo sa medical school, ay isang 'potential springboard', na kahalintulad ng kanyang sariling 2008 victory laban kay Oscar De La Hoya.

"I will not let that happen," ayon sa 35-anyos na si Pacquiao.

"My time is not over yet. I'm not predicting a knockout, but I'm looking for a good fight and looking to prove I can still fight."